Clark Belamia
9-SE
Mentalidad ng kolonyal (Colonial mentality)
Ang pilipinas ay isa sa mga bansang may maraming tao na
meroong tinatawag na mentalidad ng kolonyal o Colonial Mentality na kung saan
ay mas pinapahalagahan natin ang mga cultura at produkto ng ibang bansa kesa sa
cultura at produckto ng ating sariling bansa. Maraming mga bagay sa pilipinas
na nawala dahil sa impluwensiya ng mga banyagang sumakop sa atin gaya nalang ng
pangalan mismo ng pilipinas na MAHARLIKA at noong dumating ang mga kastila ay
pinalitan ito ng PHILIPPINES ipinangalan ang pilipinas sa isang hari ng espanya
na si king Philip na kalian man ay hindi nakatapak o nakakita sa pilipinas. At
hangang ngayon ang ating mga ginagamit na produkto ay produkto ng mga banyaga
gaya ng NIKE, ADIDAS, IPHONE, SAMSUNG at kung ano pa.
Ang mga halimbawa na nagpapatunay sa colonial mentality ng
pilipinas ay ang mga sumusunod:
KASTILA: relihiyon lingwahe, katolikong paaralan at mga
pangalan.Ang mga ito ay galing sa bansang espanya dahil sila ang pinaka
nagtagal ditto sa pilipinas.
AMERICA- pagkain, Demokrasya, libreng edukasyon o mga public school- lahat ito ay galing sa bansang America.]
JAPAN- Karaoke, vidyoke, camera, pinikula.- Ito ay nanggaling sa bansang Japan, ang bansang nag sakop sa atin sa pinaka maikling panahon.
Marami tayong pwedeng gawin upang mapigilan ang social issue
na ito gaya ng pag mahal sa mga produkto ng galing sa ating bansa. Maari din tayong
makinig sa mga musika na gawang pinoy. Maaari ding bumili ng mga cellphone na
galing sa pinas gaya ng CHERRY MOBILE, MYPHONE at CLOUDPHONE.
Comments
Post a Comment